-- ADVERTISEMENT --

Itinuturing ni House lead prosecutor at Batangas Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro na mahalaga ang testimonya ni Lemuel Ortonio sa pagbusisi sa umano’y iregularidad sa paggamit at liquidation ng confidential funds ng Office of the Vice President (OVP).

Ayon kay Luistro, kinumpirma ni Ortonio ang ilang isyu kaugnay ng proseso ng pag-request, pag-release, paggamit at liquidation ng pondo na dapat umayon sa Joint Circular No. 2015-01.

Isa sa binigyang-diin ang P250 milyong confidential fund na hiniling ng OVP noong Agosto 22, 2022. Ayon kay Luistro, wala umanong kalakip sa request ang kinakailangang computation, projection at Physical and Financial Plan (PFP).

Halos isang buwan pa umano matapos ang request nang maaprubahan at maipasa ang PFP.

Sinabi rin ni Luistro na nagtugma ang testimonya nina Ortonio at dating special disbursing officer Gina Acosta, partikular sa pahayag na isinagawa nila ang mga hakbang kaugnay ng pondo batay sa utos ng head of agency.