Naging usap-usapan sa Davao City ang pagkakadiskubre sa isang tarpaulin na naglalaman ng matapang na tanong para sa Independent Commission for Infrastructure o ICI.
Sa tarpaulin na nakapaskil sa isang bahagi ng lungsod, mababasa ang linyang:
“Kanus-a mo mag-inspeksyon sa ghost project ni Sandro Marcos ug Martin Romualdez?” (Kailan iinspeksiyonin ang ghost projects ni Sandro Marcos at Marin Romualdez?)
Hanggang ngayon, hindi pa kilala kung sino ang nagpakabit ng nasabing tarpaulin.
Ito’y katulad din ng mga naunang tarpaulin na nakita sa Ulas, Davao City na nanawagan umano sa pagbibitiw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon sa ulat, namataan ang tarpaulin habang naroon ang ilang personnel ng ICI at Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa kanilang operasyon.
Wala pang opisyal na pahayag mula sa ICI kaugnay ng kontrobersyal na poster.













