-- ADVERTISEMENT --

KORONADAL CITY – Nahuli ng mga otoridad ang isang lalaki na Street Level Individual matapos magsagawa ng buy-bust operation sa Purok Katipunan, Brgy. Población, Esperanza Sultan Kudarat noong Hunyo 27, 2024.

Ayon sa Ulat ni Police Alexander De Pedro, hepe ng Esperanza Municipal Police Station, ang naarestong indibidwal na si alyas “Jo”, 40 anyos, magsasaka na residente ng Purok Masinadyahon, Barangay Dajay, Surallah , South Cotabato.

Naaresto ang suspek bandang 7:10 ng gabi ng mga tauhan ng Sultan Kudarat Provincial Drug Enforcement Unit (lead unit), Esperanza MPS at SKPHPT, nasamsam rito ang mga pakete ng pinaghihinalaang shabu na may kabuuang 10 gramo na may standard drug price ng Php68,000.00.

Mahaharap sa kasong paglabag sa seksyon 5 at 11 ng Article II R.A 9165 o (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) ang nahuling indibiwal.

Tiniyak naman ng ating kapulisan na patuloy ang kanilang kampanya laban sa ilegal na droga upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan tungo sa Bagong Pilipinas.