-- ADVERTISEMENT --

KORONADAL CITY – Nasa kustodiya na ngayon ng mga otoridad ang suspek sa pagpaslang sa isang sundalo matapos maaresto sa isinagawang drug buy-bust sa bayan ng Polomolok.

Kinilala ang suspek na si Abdul Ingid Mantawil, 20, residente ng Barangay Polonuling, Tupi at kasama nitong si Omar Maguisulan, 24-anyos, residente ng Purok 1, Barangay Sumbakil, Polomolok.

Narekober sa mga ito ang dalawang granada, dalawang sachet ng pinaniniwalaang shabu at marked money.

Napag-alaman na si Mantawil ang isa sa mga suspek sa pagpatay sa 29 anyos na sundalong si Corporal Lemuel Gatinao noong Agosto 2017.

Sa ngayon, inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa mga suspek.