-- ADVERTISEMENT --

KORONADAL CITY – Dumaranas ng post-partum depression ang babae na dumukot sa bagong silang na sanggol sa South Cotabato Provincial Hospital.

Itoo ang paniniwala ni Reybell Maladian Caliawan, pinsan ng ina ng sanggol sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Ayon kay Caliawan, nanganak umano ang babae ngunit nahulog ang bata, dahilan sa kanyang kondisyon.

Dagdag pa nito, nais nilang personal na makausap si Princess, ang suspek, dahil naniniwala sila na hindi ito lubos na masama, lalo na’t binilhan pa ng suspek ng mga gamit ang sanggol, lahat kulay asul.

Napag-alaman din na may ilang nakakakilala kay Princess na nagsabing nanganak nga ito at nawala ang bata sa ilang oras.

Ang babae ay taga Lutayan, Sultan Kudarat, at doon umano siya natulog kagabi matapos dukutin ang sanggol.

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya ng Koronadal City Police ang suspek at mananagot sa kanyang ginawa.

Patuloy ding iniimbestigahan ng mga awtoridad ang motibo kung bakit nito dinukot ang sanggol.