-- ADVERTISEMENT --
Pinuna ng Commission on Audit o COA ang Social Security System o SSS sa pagbili nito ng mahigit 143,000 rolyo ng tissue paper na umabot sa P13.195 milyong piso noong 2024.
Ayon sa ulat ng state auditors na lumagpas sa kinakailangang dalawang buwang supply ang bilang ng biniling tissue paper.
Dagdag pa ng COA, hindi rin umano kasya sa mga pasilidad ng imbakan ng SSS ang nasabing dami ng tissue, na indikasyon ng mahinang pagpaplano sa procurement.
Binili ng SSS ang 143,424 na rolyo ng tissue paper, na lumampas sa dalawang buwang pangangailangan, at 116,046 dito ay nanatili sa supplier nang walang kasunduan, ayon sa COA.
Dagdag pa ng audit, puwede sana itong ginastos para sa 2,000 pensionado o funeral benefits ng 650 namatay na miyembro.”
Sa ngayon, patuloy pang sinisiyasat ng COA ang naturang transaksyon.
Wala pa namang inilabas na pahayag ang SSS sa nabanggit na report ng COA.












