KORONADAL CITY – Narating na ng Team South Cotabato na binubuo ng Provincial Government, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, at Provincial Engineering’s Office ang Manay, Davao Oriental upang magsagawa ng relief operations sa mga apektadong pamilya ng 7.5 at 6.8 magnitude na lindol kahapon.
Ito ang kinumpirma ni South Cotabato Governor Reynaldo S. Tamayo Jr. Ayon kay Tamayo, oras pa lang nang matapos ang lindol at natiyak na walang nasirang estruktura at na-record na casualty ang probinsya nga South Cotabato, agad itong nagpalabas ng direktiba na magsasagawa ng relief operations sa Davao Oriental.
Madaling araw pa lang ay bumiyahe na Pamahalaang Panlalawigan ng South Cotabato dala ang mga food packs at iba pang essential kits, na lulan ng dalawang dump truck ng Pamahalaang na kanilang ipamamahagi sa mga apektadong residente sa Davao Oriental.
Ang naturang aktibidad ay bahagi na ng humanitarian aid mission ng Lalawigan ng South Cotabato para sa mga mamamayan ng Davao Oriental, sa pangunguna ni Governor at PFP National President Reynaldo S. Tamayo Jr., katuwang ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa pamumuno ni Aquino.
Daan-daang residente naman sa Manay, Davao Oriental, ang nabigyan ng paunang tulong mula mismo sa mga mamamayan ng South Cotabato.
Sa pamamagitan ng misyon na ito, muling pinatunayan ng South Cotabato na kahit tinamaan din ng pagyanig kahapon, naririyan pa rin ang kanilang kahandaan at malasakit sa pagtugon sa mga kalamidad, lalo na sa pagbibigay disaster response support sa mga pamilyang naapektuhan ng lindol sa Davao Oriental.
Nagpahayag rin ng pasasalamat si Governor Reynaldo S. Tamayo Jr. sa lahat ng sektor na nakiisa at tumulong upang maiparating ang tulong sa mga apektadong residente.