Matapos pagtibayin ng Supreme Court en banc ang desisyong nagdedeklara na labag sa Konstitusyon ang impeachment na inihain ng House of Representatives laban kay Vice President Sara Duterte, tuluyan nang ibinasura ng Korte ang mosyon ng Kamara at kinumpirmang nilabag ng ikaapat na impeachment complaint ang one-year rule na itinatadhana ng 1987 Konstitusyon.
Dahil dito, sinabi ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na ang impeachment laban sa bise presidente ay isa na ngayong “impossible dream,” bagama’t iginiit niyang ang naturang desisyon ng Korte Suprema ay maituturing na malinaw na panghihimasok sa kapangyarihan ng lehislatura at maaaring ituring bilang judicial legislation.
Samantala, iginiit naman ni Senadora Imee Marcos na ang desisyon ng Korte Suprema ay isang tagumpay ng rule of law.
Gayunman, naniniwala siya na posible pa ring maisampa ang isang panibagong impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte sa Pebrero 6, 2026, alinsunod sa itinakdang panahon ng Konstitusyon.













