-- ADVERTISEMENT --

KORONADAL CITY – Bumuo na ang pulisya ng Special Investigation Task Group (SITG) para mapabilis ang imbestigasyon sa pananambang-patay kay Vice Mayor Roldan Benito ng South Upi, Maguindanao del Sur.

Ito ang inihayag ni Maguindanao del Sur police director Col. Roel Sermese kung saan siya rin ang namumuno sa SITG-Benito.

May mga miyembro ito mula sa Criminal Investigation and Detection Group, Scene of the Crime Operatives, PNP Forensic Unit, at South Upi municipal police office. Matatandaan na noong Biyernes, August 2, nang tambangan ang minimanehong Mitsubishi pick-up lni Benito, kasama ang kanyang misis at escort, bandang alas-5 ng hapon sa Barangay Pandan, South Upi.

Nasawi ang bise alkalde at ang isa nitong escort, habang sugatan naman ang kanyang misis at anak nito.

Samantala, ipinasiguro naman ni Mayor Reynalbert Insular na nakikipagtulungan ang LGU sa pulisya upang agarang malutas ang kaso at mapanagot ang may sala.

Ikinatuwa din ni Mayor Insular ang balitang mayroon nang‘persons of interest’ ang binuong SITG.

Sa ngayon hindi pa malinaw ang motibo dahil patuloy ang pangangalap ng ebidensya ngunit isa sa mga tinitingnan ang personal grudge at pulitika.