-- ADVERTISEMENT --

KORONADAL CITY – Nagpapatuloy ngayon ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring pamamaril sa Brgy. Dapantis, Rajah Buayan, Maguindanao del Sur na nagresulta sa pagkamatay ng isang sibilyan at pagkasugat naman ng isang sundalo.

Kinilala ni Maguindanao del Sur PNP Director Col. Ryan Bobby Paloma ang nasawi na si Jabber Amil Ambal na residente ng Barangay Dapantis, Rajah Buayan, Maguindanao del Sur habang sugatan naman ang sundalong si alyas Sgt. Calib na kasapi ng 33rd Infantry Battalion.

Lumabas sa imbestigasyon ng mga otoridad na makikipagkita lang sana ang sundalo sa kanyang dating informant ng pagdating sa lugar ay pinagbabaril ang mga ito ng riding tandem suspects.

Sugatan si Calib habang patay on the spot ang sibilyang si Ambal nang tamaan ng bala na nagkataong nandoon sa lugar nang mangyari ang pamamaril.

Sa ngayon, nagpapagaling na ang sugatang sundalo hahang nagpapatuloy ang pag-identify ng mga otoridad sa mga suspek. Una nang inihayag ni PCol. Jemuel Siason, Deputy Regional Director for operations ng ng Bangsamoro Autonomous Region na dinoble pa nila ang ipinapatupad na pagbabantay at police vissibility sa Bangsamoro region dahil sa sunod-sunod na insidente ng pamamaril-patay kahit na ipinapatupad ang Comelec Gun ban.

Siniguro din ng opisyal na nakaantabay ng karagdagang pwersa ng pulisya kaagapay ang Armed Forces of the Philippines upang masiguro ang kapayapaan sa BARMM.