-- ADVERTISEMENT --

Madalas umanong hindi nauunawaan si Robin Padilla, ayon sa kanyang chief of staff na si Rudolf Philip Jurado, lalo na matapos ang naging pahayag ng senador tungkol sa mental health ng kabataan.

Ipinaliwanag ni Jurado na batay sa rekord ni Padilla, handa itong talakayin ang mahihirap at sensitibong isyu at magsulong ng mga reporma sa batas para sa kapakanan ng bansa, kahit may kaakibat na politikal na panganib.

Kabilang sa mga isyung sinuportahan ni Padilla ang anti-dynasty law, parliamentary o federal form of government, medical cannabis, divorce, civil unions, pagbaba ng minimum age of criminal responsibility, Sabah claim, charter change, at pagbabawal ng social media para sa mga menor de edad.

Ayon kay Jurado, hindi iniiwasan ng senador ang mga paksang itinuturing ng ilan na taboo o hindi popular, kahit pa taliwas ito sa kanyang sariling interes, sa interes ng kanyang mga kaalyado, o sa opinyon ng publiko.