-- ADVERTISEMENT --

Mahigpit ang ipinapanukala ngayon ni Senador Robinhood “Robin” Padilla—na ibaba ang minimum age of criminal responsibility sa Pilipinas mula 15 taong gulang pababa sa 10 taong gulang para sa mga batang sangkot sa mabibigat na krimen tulad ng murder, rape, kidnapping, robbery na may rape o pagpatay, at mga kaso ng droga.

Ayon kay Sen. Padilla, mayroong “gap” sa kasalukuyang batas na nagpapahintulot sa mga sindikato at kriminal na grupo na gumamit ng mga bata dahil sa eksistensiya ng age exemption—na siya namang nais solusyunan ng kaniyang panukala.

Kasalukuyang nasa ilalim ng Juvenile Justice and Welfare Act (RA 9344) ang minimum age of criminal responsibility na 15, na nakasentro sa rehabilitasyon sa halip na parusa. Layunin ng panukala ni Padilla na amyendahan ito para masaklaw ang mga babata mula 10 hanggang 14 na sangkot sa heinous crimes.

Mga batang edad 10-17 na napatunayang sangkot sa heinous crimes ay hindi na exempted mula sa pananagutan maaari nang kasuhan at patawan ng parusa. Para sa mga menor de edad na sangkot sa hindi gaanong mabibigat na krimen, mananatili ang community-based intervention programs.

Ginarantiyahan niya na patuloy na ipatutupad ang rehabilitasyon at not purely punitive approach.

Aniya, dahil sa mataas na exposure sa teknolohiya at social media, mas maagang nagkakaroon ng maturity ang mga bata kaya may kakayahang unawain ang kanilang mga aksyon.