Isinampa kamakailan ang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ngunit tinawag ito ni Senador Imee Marcos na “drama series.”
Ayon sa kanya, hindi pa niya personal nababasa ang dokumento, ngunit nakakadlaw na siya sa hitsura at nilalaman nito.
Aniya, malinaw na ang reklamo ay tila palabas lamang na maaaring magtagal ng isang taon, dahil alam ng publiko kung sino ang nag-file at ang background ng kaso.
Batay sa ulat, si Atty. Andre de Jesus ang nagsampa ng impeachment complaint, at siya rin ang abogado ng First Lady Liza Araneta-Marcos.
Nang tanungin tungkol sa posibilidad na mapatalsik ang Pangulo sa puwesto dahil sa umano’y paggamit ng iligal na droga, sinabi ni Sen. Imee na tila “nabenta na ito sa takilya,” na nagpapahiwatig na hindi niya itinuturing na seryosong isyu ang alegasyon.
Kasabay nito, tinanong din ang senador tungkol sa inaasahang ikalawang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte na nakatakdang i-file sa Pebrero.
Ayon kay Sen. Imee, alam ng Kongreso ang resulta ng nakaraang eleksyon, kaya’t malabo rin umano ang tagumpay ng reklamong iyon.













