-- ADVERTISEMENT --

Hindi inaprubahan ng Senado ang kahilingan ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na magamit ng kanyang pamilya ang Senate Mansion sa Baguio City para sa CSAFP Cup shooting competition sa Marso 26-29, 2026.

Ayon kay Senate Secretary Mark Llandro Mendoza, hindi maaaring pagbigyan ang request ng senador dahil ang Senate Mansion ay kasalukuyang isinasailalim sa pagkukumpuni.

Samantala, hindi na dumadalo si Dela Rosa sa mga sesyon ng Senado mula noong Nobyembre 2025, kasunod ng mga ulat tungkol sa arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC) kaugnay ng mga kaso ng human rights violations sa ilalim ng war on drugs ng administrasyon ni dating Pangulong Duterte.

Dahil sa patuloy niyang pagliban, isinampa ang isang ethics complaint laban sa kanya ng civil society group na ‘Wag Kang KuCorrupt.’

Ang hindi pagdalo at ang pagliban ng senador sa kanyang mga tungkulin ay nagbunsod ng mga kritisismo mula sa iba’t ibang sektor.