-- ADVERTISEMENT --

KORONADAL CITY – Nagpaalala ang Securities and Exchange Commission (SEC) Koronadal Extension Office sa publiko hinggil sa mga online lending platforms (OLPs), mobile apps, at websites na walang awtoridad o lisensya upang magpautang o magproseso ng loan transactions sa bansa.

Batay sa SEC Memorandum Circular No. 10, Series of 2021, ipinatupad ang moratorium sa pagpaparehistro ng mga bagong online lending platforms simula pa noong Nobyembre 2, 2021.
Sa kabila nito, patuloy pa ring nag-ooperate ang ilang mga unauthorized OLPs na wala sa opisyal na listahan ng SEC.

Kabilang sa mga apps sa Google Play Store na walang pahintulot ang mga sumusunod:
PeraGo: Secure Loans, LoanTayo – Flexible Loans, SeaCash – Safe and Fast Loan, ZRT Credit: Loan PH, Bingo Peso, Peso Maya – Fast Online Loan, Cash Muna, at GZ Lend.

Habang sa Apple Store, kabilang ang:
Valor Credit, Dolo Loan, Maxi Lending, Sky Loan, VIP Loan, AssetCred, PeraOne, at Easy Loan.

Samantala, tatlong websites din ang binanggit ng SEC na walang kaukulang permit: Andali Cash, Cashcano, at Metacash.

Pinaalalahanan ng ahensya ang publiko na maging maingat sa paggamit ng online lending apps upang maiwasan ang panlilinlang at posibleng pang-aabuso sa personal na impormasyon.

Para sa mga katanungan o reklamo, maaaring makipag-ugnayan sa SEC Koronadal Extension Office o sa SEC iMessage Portal.
Makikita naman ang opisyal na listahan ng mga awtorisado at rehistradong OLPs sa website ng SEC: www.sec.gov.ph.