Nananawagan ng hustisya ang mga pamilya ng mga biktima matapos ang sunod‑sunod na trahedya sa dagat na kinasasangkutan ng isang shipping line, kasunod ng paglubog ng M/V Trisha Kerstin 3 nitong Lunes, Enero 26, 2026.
Hindi bababa sa 15 tao ang nakumpirmang patay, habang higit 20 ang nawawala matapos lumubog ang RoRo passenger‑cargo vessel habang papuntang Jolo, Sulu mula Zamboanga City, ayon sa Philippine Coast Guard.
Ang barko ay nagpadala ng distress signal bandang 1:50 ng madaling araw ilang oras matapos umalis sa port ng Zamboanga.
May sakay na mahigit 330 pasahero at 27 tripulante ang nasabing barko nang ito ay lumubog sa tubig sakop ng Baluk‑Baluk Island, Basilan.
Ayon sa PCG, nasa 316 ang narescue ng mga rescue team habang patuloy pa rin ang paghahanap sa mga nawawala. Ilang mga survivor ang dinala sa mga ospital sa Basilan at Zamboanga upang bigyan ng lunas.
Habang patuloy ang pag‑iimbestiga sa dahilan ng paglubog ng barko, nanawagan ang pamilya ng mga biktima at iba pang sektor ng publiko na tiyakin ang kaligtasan ng mga inter‑island vessel at ipanagot ang sinumang may pananagutan para sa mga pangyayaring nagdulot ng malubhang pagkalugi ng buhay.
Lahat ay pinapatakbo ng Aleson Shipping Lines:
- M/V Danica Joy 2 — Setyembre 22, 2016
- M/V Lady Mary Joy 3 — Marso 29–30, 2023
- M/V Trisha Kerstin 3 — Enero 26, 2026













