-- ADVERTISEMENT --

Maaaring umabot sa 5.3 porsyento ang average salary increase ng mga manggagawa sa Pilipinas sa 2027, bahagyang mas mataas kumpara sa 5 porsyentong increase na aktuwal na ipinagkaloob ng mga kumpanya ngayong taon.

Batay sa pag-aaral ng global professional services firm na Aon plc, patuloy na hamon para sa mga kumpanya ang mataas na employee turnover, na umabot sa 17.3 porsyento ngayong 2026.

Dahil dito, hindi lamang pagtaas ng sahod ang nakikitang paraan upang mapanatili ang skilled workers, lalo na habang patuloy na lumalawak ang paggamit ng artificial intelligence o AI sa iba’t ibang industriya.

Ayon sa ulat, kailangan ding palakasin ng mga kumpanya ang career development, promotion opportunities at iba pang employee benefits upang mahikayat ang mga skilled worker na manatili sa kanilang trabaho.

Sa gitna ng nagbabagong workplace environment, inaasahang magiging mahalaga ang kombinasyon ng competitive salary at mas magandang career opportunities sa pagpapanatili ng mga kwalipikadong manggagawa.