-- ADVERTISEMENT --

Apat na katao ang nasawi matapos magsagawa ang Russia ng malawakang missile at drone attacks sa Ukraine.

Ayon sa Ukrainian Air Force, hindi bababa sa 10 missile at 149 drone ang pinakawalan ng Russia sa magdamag.

Kabilang sa mga nasawi ang isang babae at ang kanyang 10-anyos na anak na lalaki sa bayan ng Bohodukhiv.

Siyam na iba pa ang nasugatan sa insidente at agad na dinala sa mga pagamutan para sa karampatang lunas.