-- ADVERTISEMENT --

Ligtas ang mang-aawit na si Rihanna matapos paulit-ulit na paputukan ang gate ng kanyang bahay sa Beverly Hills, California.

Naganap ang insidente bandang 1:20 ng hapon (PT) noong Linggo, Marso 8, ayon sa Los Angeles Police Department.

Ayon sa pulisya, lima hanggang pitong putok ng baril ang pinaputok at tumama sa gate ng property ngunit hindi tinamaan ang mismong bahay.

Wala ring naiulat na nasaktan, kahit may mga tao sa loob ng bahay nang mangyari ang insidente.

Isang babae na nasa edad 30 ang inaresto kaugnay ng pamamaril, habang patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad.