Nasawi ang isang motorista habang sugatan naman ang angkas nito matapos bumangga ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa center island ng national highway sa Barangay Rizal Poblacion, pasado alas-11:10, Lingo ng gabi, Agosto 17, 2025.
Kinilala ng Banga PNP ang biktimang si alyas “Ronald” na minamaneho ang isang Honda XRM 125, habang ang backrider ay si alyas “Ricky”, 50-anyos, residente ng Barangay Apopong, General Santos City.
Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Police Staff Sergeant Jojimar Nicmic, traffic investigator ng Banga PNP, lumabas sa kanilang imbestigasyon na mula Surallah patungong Koronadal City ang motorsiklo nang mawalan ng kontrol si Bebot at bumangga sa center island.
Agad na isinugod si Ronald sa SOCCSKSARGEN General Hospital sa bayan ng Surallah subalit idineklarang patay na nang doktor.
Malalim na sugat namaan ang natabo ni Ricky at kasalukuyang nagpapagaling sa South Cotabato Provincial Hospital dito sa Koronadal City.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nangyaring aksidente.