-- ADVERTISEMENT --

Hinimok ni Navotas Rep. Toby Tiangco ang National Bureau of Investigation (NBI) na magpadala ng senior delegation sa punong-tanggapan ng Interpol upang tutukan ang kanilang kahilingan para sa red notice laban sa dating kongresista na si Zaldy Co.

Ayon kay Tiangco, noong Nobyembre 23, 2025, nagsumite na ang ahensya ng kahilingan ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring tugon mula sa Interpol, na karaniwang tumatagal lamang ng tatlo hanggang apat na linggo bago makapagbigay ng sagot.

Binigyang-diin ng kongresista na kritikal ang pagkaantala dahil posibleng makalabas at makagalaw si Co habang may mga kasong kriminal na nakabinbin laban sa kanya.

Magugunitang si Co ay nahaharap sa mga kaso ng corruption at malversation kaugnay ng umano’y P289.5-milyong anomalous road dike project sa Oriental Mindoro, pati na rin sa mga plunder complaints na isinampa ng NBI. Kamakailan, lumabas na pumirma si Co ng petisyon sa Supreme Court sa Stockholm, Sweden noong Enero 15.