Isinusulong ngayon ng mga miyembro ng National Unity Party, sa pangunguna ni Deputy Speaker Ronaldo Puno, ang paimbestiga kay Cavite Fourth District Representative Kiko Barzaga sa House Committee on Ethics and Privileges.
Ayon sa NUP, posibleng lumabag si Barzaga sa Code of Conduct ng mga kongresista.
Kabilang sa mga binabatikos laban sa kanya ang umano’y kawalan ng respeto sa Kongreso, paggawa ng hakbang na labag sa batas at moralidad, at mga asal na posibleng nag-uudyok ng sedisyon o rebelyon.
Dagdag pa rito, iginiit ng partido na may mga ikinilos ang mambabatas na taliwas sa interes ng serbisyo publiko.
Sa ngayon, wala pang inilalabas na opisyal na pahayag si Congressman Barzaga hinggil sa isyu, habang inaasahang tatalakayin ito sa susunod na sesyon ng House Ethics Committee.