-- ADVERTISEMENT --

Naaresto ng mga awtoridad ang Regional Most Wanted Person sa kasong RA 7659 o Murder sa Brgy. Lower Paatan, Kabacan, Cotabato nito lamang ika-27 ng Hulyo, 2024.

Kinilala ni Police Brigadier General Percival Augustus P Placer, Regional Director ng Police Regional Office 12 and wanted person na si alyas “Ken” 36 anyos, may asawa, at residente ng nasabing lugar.

Bandang 12:51 ng madaling araw puntahan ng mga awtoridad ang tahanan ng suspek sa pagsanib pwersa ng mga tauhan ng Kabacan Municipal Police Station katuwang ang Anti-Kidnapping Group dahilan upang maaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na walang nirekomendang piyansa.

Sa pamamagitan ng determinasyon ng mga kapulisan ng Kabacan PNP mas papaigtingin pa nila ang kanilang pagganap sa tungkulin at operasyon upang mapanagot ng mga taong may pananagutan sa batas at masiguro ang seguridad ng mga mamamayan tungo sa Bagong Pilipinas.