-- ADVERTISEMENT --

Dahil sa pinakamataas na pondong naitala sa kasaysayan ng ahensya, inanunsyo ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang pagdaragdag ng 10,000 scholarship slots para sa mga kwalipikadong dependents ng mga Overseas Filipino Workers at seafarers.

Ayon kay OWWA Administrator Patricia Yvonne Caunan, naisakatuparan ang pagpapalawak ng programa matapos umabot sa P21.3 bilyon ang trust fund ng ahensya—ang pinakamalaking pondo sa loob ng mahigit 40 taon.

Mula sa dating 15,000 slots, dinagdagan ito alinsunod sa direktiba ng Pangulo na palakasin ang suporta sa mga pamilya ng OFWs. Layunin ng hakbang na mas mapakinabangan ang pondo para sa edukasyon ng mga anak ng mga itinuturing na makabagong bayani.