-- ADVERTISEMENT --

Arestado ang isang lalaking tinaguriang rank 10 Municipal Most Wanted Person sa kasong paglabag sa RA 9262 sa isinagawang manhunt operation sa Barangay Kalawag 2, Isulan, Sultan Kudarat nito lamang Miyerkules, ika-28 ng Agosto 2024.

Kinilala ni PLt.Col. Julius Malcontento, hepe ng Isulan Municipal Police Station ang naaresto na si “Mike” ,36 taong gulang, wilder, may asawa at residente ng Barangay Poblacion, Buluan, Maguindanao Del Sur.

Bandang 5:40 ng hapon nagsagawa ng joint manhunt operation ang mga tauhan ng Isulan MPS, kasama ang SKHPT, SK-CIDG 12 at 1st SKPMFC na nagresulta ng pagkadakip ng suspek sa bisa ng warrant of arrest sa kasong paglabag sa RA 9262 o Violence Against Women and Children at may nirerekomendang piyansa na PHP 72,000.

Patuloy na tinutugis ng hanay ng Pulisya ang mga taong may pananagutan sa batas. Hinihimok naman ng Isulan PNP ang mga taong nagtatago na sumuko na at harapin ang mga kasong nagawa.