-- ADVERTISEMENT --

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring pamamaril-patay sa isang radio reporter sa Zamboanga City, Martes ng gabi, October 23, 2024

Kinilala ni Brig. Gen. Bowenn Joey Masauding, director ng Police Regional Office-9, ang nasawing reporter na si Maria Vilma Rodriguez, 56 anyos, isang single mother na may apat na anak at host ng isang public affairs program ng 105.9 EMedia Radio na may online social media platform din.

Ayon sa pulisya, tatlong beses na binaril ng isang lalaki gamit ang .38 revolver ang biktima habang nakaupo malapit sa tindahan ng kanyang ina sa Comet Street sa Barangay Tumaga, Zamboanga City.

Agad naman na dinala sa pagamutan ang biktima ngunit idineklara itong dead on arrival ng doctor.

Sa ngayon, inaalam pa ang identity ng suspek na nakatakas matapos gawin ang krimen.

Lumabas naman ang anggulong may malaking alitan si Rodriguez at ilang mga kamag-anak na posibleng siyang dahilan ng pagpaslang sa kanya.