-- ADVERTISEMENT --

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad matapos pagbabarilin at patayin ang isang pulis sa Sitio Bagong Silang, Brgy. San Vicente, Makilala ngayong hapon.

Kinilala ang biktima na si PSSG David Lopez de Jose, na kasalukuyang naka-assign sa Makilala Municipal Police Station (MPS). Ayon sa mga awtoridad, nangyari ang insidente habang sakay siya ng kanyang Multicab.

Matapos ang pamamaril, agad nagsagawa ang pulisya ng hot pursuit operation laban sa suspek, na nakatakas gamit ang kanyang sasakyan, isang green na Toyota Vios.

Wala pang malinaw na motibo ang awtoridad sa krimen, ngunit nagpapatuloy ang imbestigasyon upang mahuli ang suspek at alamin ang buong pangyayari.

Hinimok ng lokal na pulisya ang publiko na maging maingat at agad i-report kung makakita sa suspek o sa kanyang sasakyan.