-- ADVERTISEMENT --

Patuloy ang malawakang operasyon ng Philippine Red Cross (PRC) ngayong Semana Santa 2026, kung saan libo-libong indibidwal na ang natulungan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ayon sa update, umabot na sa mahigit 7,000 ang kabuuang bilang ng mga natulungan o catered patients.

Karamihan sa mga ito ay sumailalim sa vital signs monitoring, na may kabuuang 6,514 na indibidwal. Mayroon ding 583 minor cases, 26 major cases, at 14 na pasyente na kailangang dalhin sa mga ospital.

Sa aspeto ng welfare assistance, nakapagbigay na ang PRC ng 105 na kaso ng tulong, kabilang ang 52 psychological support, 29 referral, 20 wheelchairs at senior assistance, at isang kaso ng tracing.

Malawak din ang deployment ng mga assets ng PRC: 75 ambulansya, 1 mobile clinic, 9 volunteer emergency response vehicles, 1 rescue boat, 356 First Aid (FA) stations, 74 welfare desks, 85 foot patrols, at kabuuang 2,000 na staff at volunteers.

Saklaw ng operasyon ang iba’t ibang lugar tulad ng 141 simbahan, 38 beach, 16 bus terminal, 67 highways, 18 seaports, at iba pang mga strategic na lugar tulad ng mall, bundok, pilgrimage sites, public market, train station, at expressway.