-- ADVERTISEMENT --

Nilinaw ni Pope Leo na hindi patama kay US President Donald Trump ang kanyang kamakailang talumpati kung saan binanggit niya ang mga “tyrant” na gumagastos ng bilyon-bilyong dolyar para sa digmaan.

Ayon sa Santo Papa, wala siyang tinutukoy na partikular na lider at iginiit na wala rin siyang interes na makipagtalo o makipagdebate kay Trump.

Dumating ang pahayag na ito matapos batikusin ni Trump ang Papa dahil sa pagtutol nito sa mga aksyong militar ng US at Israel laban sa Iran.