-- ADVERTISEMENT --

Tinalakay ng Budget Amendments Review Sub-committee o BARSc ang muling paglalaan ng mahigit P255-bilyong tinapyas sa pondo ng Department of Public Works and Highways.

Ayon kay House appropriations committee chairwoman Mika Suansing, tanging mga budget request ng mga ahensya ng pamahalaan ang pag-uusapan sa BARSc at hindi ang mga isinusulong na amyenda ng mga kongresista.

Giit ni Suansing, hihikayatin niya ang kanyang mga kasamahan sa Kamara na unahin ang paglalaan ng pondo para sa edukasyon, kalusugan, at agrikultura na aniya’y higit na nangangailangan ng suporta mula sa gobyerno.

Ito rin ang unang pagkakataon na nag-convene ang BARSc matapos buwagin ang dating small committee na nagsasagawa ng closed-door deliberations.

Layon ng bagong sub-committee na masiguro ang transparency at openness sa proseso ng pambansang budget.