-- ADVERTISEMENT --
Suportado ng Philippine National Police (PNP ) ang panukalang pagdadag sa qouta para mga babae na nais maging pulis.
Sinabi ni Police chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. na bukas sila na dagdagan ang bilang ng mga babaeng police.
Sang-ayon ito na maging 20 percent ang qouta mula sa dating 10 percent lamang.
Ang nasabing panukala ay matapos na magpasa ng ilang mga panukalang batas sa Kongreso na humihiling ng mas malawak na participasyon ng mga babae sa law enforcement.
Kinabibilangan ito ng 43,847 na mga uniformed personnel, 8,098 na mga non-uniformed staff at 278 na mga kadete.
Dumarami na rin ang mga babaeng pulis na may mabigat na papel sa PNP mula sa field operations hanggang sa mga senior positions.













