-- ADVERTISEMENT --

KORONADAL CITY – May natukoy na umanong persons of interest ang pulisya sa pamamaril-patay sa dalawang indibidwal na inagawan pa ng motorsiklo sa Tantangan, South Cotabato. Ito ang kinumpirma ni PMaj. Erika vallejo, hepe ng Tantangan Municipal Police Station sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Ayon kay Vallejo, nangangalap na lamang sila ng dagdag na mga dokumento upang maisampa na ang kaukulang kaso sa mga suspek. Sa katunayan, nakipagpulong sa mga barangay Chairman at 38th IB, Philippine Army upang higpitan ang coordination at monitoring sa agarang pagkakadakip ng mga suspek.

Maliban dito, hawak na rin umano ng PNP ang CCTV footage kung saan nakunan ang pagtakas ng mga suspek at nakatulong ng malaki upang makilala ang iban sa mga ito na hindi nakasuot ng helmet.

Sa ngayon, pinaigting pa ng pulisya ang pagbabantay at pagroronda sa buong Tantangan upang hindi na maulit pa ang insidente. Ipinasiguro din ni Vallejo na ginagawa ng kapulisan ang lahat upang madakip ang mga suspek.

Samantala, magbibigay din umano ang pulisya ng assistance sa dalawang biktima na pinatay ng mga motornappers.

Matatandaan na ang mga biktima na binaril-patay at inagawan ng motorsiklo ng 7 mga armdo ay sina Livermar Moderacion, 33 anyos at residente ng Brgy. Paraiso, Koronadal City at Daryll Nuqui, isang grade 12 student na residente naman ng Barangay Maibo, Tantangan, South Cotabato.

Nananawagan naman ang opisyal sa mga mamamayan na agad isumbong sa pulisya sa anumang insidente sa kanilang lugar. Maliban dito magbibgay ang PNP ng financial assistance sa mga biktima.