KORONADAL CITY -Tukoy na umano ng mga otoridad ang mga persons of interest sa pamamaril-patay ng riding-in-tandem suspects sa isang empleyado ng Department of Public Works and Highway sa bayan ng Isulan, Sultan Kudarat.
Ito ang inihayag ni Police Lt. Col. Julius Malcontento, hepe ng Isulan ang PNP sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Kinilala ang nasawi na si Jose Mangino Dasalla, 51-anyos, isang drayber at maintenance residente ng Barangay Tual, President Quirino, Sultan Kudarat
Ayon kay Malcontento, batay sa kuha ng CCTV, naglalakad ang biktima sa kalsada nang biglang pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek na sakay ng Bajaj motorcycle.
At sa tulong ng CCTV footage at eye witness ay nakuha ang umano ang profile ng mga suspek na siyang pinaniniwalaang responsable sa pagpatay sa biktima.
Nagsawaga na rin ng follow up operation ang Taskforce talakudong kasama ang AFP sa lugar na pinagtaguan ng mga suspek ngunit bigo ang mga itong madakip.
Sa ngayon, tinutukoy pa ang motibo ng mga suspek sa pagpatay kay Dasalla.
Matatandaan na narekober sa crime scene ang apat na basyo ng bala mula sa caliber .45 pistol na siyang ginamit sa pagpatay sa biktima.
Sa ngayon, panawagan ng mga otoridad sa mga nakakita sa mga suspek na ipagbigay-alam sa kanila upang maaresto at mapanagot sa batas.
Hustisya naman ang panawagan ng pamilya ng biktima sa walang awang pagpasalang sa kanya.
Samantala, dinoble naman nga mga otoridad ang checkpoint sa triboundary papasok at palabas sa bayan ng Isulan upang mahuli ang mga salarin.
Home Local News PNP may persons of interest na sa pamamaril-patay ng riding-intandem sa empleyado...
PNP may persons of interest na sa pamamaril-patay ng riding-intandem sa empleyado ng DPWH sa Isulan, Sultan Kudarat
-- ADVERTISEMENT --