-- ADVERTISEMENT --

Nakilala na pitong mga nasawi sa madugong aksidente na nangyari sa national highway, Barangay Malasila, Makilala, Cotabato pasado alas-7:30 kaninang umaga kung saan inararo nang na-loose brake na 10-wheeler truck ang ilang mga sasakyan at kabahayan sa nabanggit na lugar.

Ito ang kinumpirma ni PLT.COL. Rolly Oranza, hepe ng Makilala PNP sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Kinilala ang mga nasawi na sina: 

1. Leopoldo G. Ibanez, Barangay Tagbac, Magpet, Cotabato 

2. Jeralyn P. Bangcot, 41 years old, Barangay Kisante, Makilala, Cotabato 

3. Carlo Dejucos, 34 years old, Barangay Lanao, Kidapawan City

4. Benjamin Ganub, 54 years old, Malasila, Cotabato

at ang magkakamag-anak na sina: 

Joel Pamplona, 35 years old, asawa nitong si Christina Pamplona, 37 years old, at anak nilang 5 taong gulang na si Jeremiah na pawang mga residente ng  Sitio Crusher, Patulangon, Malasila, Cotabato.

Samantala, ang pitong mga sugatan naman na ginagamot ngayon sa ospital ay kinabibilangan nina  Airie Toledo, 32 years old, Malasila, Cotabato; Danie Jay Babor, 23 years old, Digos City; Joseph Cabana, 48 years old, Digos City; Ana Marie Caparida, 31 years old, Barangay Kisante, Makilala, Cotabato; Christian Jay Caparida, 36 years old, Barangay Kisante, Makilala, Cotabato; Eulan Espacio, 47 years old, Toril, Davao City at Jomar Pagaran  Ramirez , Purok 27, Datu Abing Street, Calinan District, Davao City.

Ayon kay Oranza, agad silang nag-organisa ng incident command post sa lugar upang mapabilis ang pagkilala at pag-retrieve sa bangkay ng mga biktima.

Sa tulong ng Makilala PNP, Bureau of Fire Protection, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council at Barangay Officials na-identify ang mga biktima at naipaalam agad sa kani-kanilang pamilya.

Sa ngayon, isinagawa na ang clearing operation sa lugar matapos na ginamitan ng heavy equipment ang na-loose brake na truck.

Matatandaan na nawalan ng brake ang truck kaya’t inararo nito ang mga sasakyan na kinabibilangan ng fish car,mga motorsiklo, multicab, bahay at boarding house.

Dagdag pa ni Oranza, mula sa Toril, Davao City ang truck at papuntang Kidapawan City upang ihatid ang sako-sakong abono.

Samantala, dahil sa pangyayari isinusulong ngayon ni Makilala Mayor Armando Quibod ang pagpapatupad ng speed limit at mandatory stop over ng mga malalaking sasakyan sakaling dumaan sa kanilang bayan.