-- ADVERTISEMENT --

Sumadsad ang piso sa record-low na P59.87 kada dolyar ngayong Lunes, kasabay ng patuloy na paglakas ng US dollar bago ang pagpupulong ng Federal Reserve.

Ito na ang ika-apat na sunod na araw ng paghina ng piso, na nagdulot ng pangamba sa merkado at ekonomiya ng bansa.

Ayon sa mga datos, umabot pa sa intraday low na P59.95 bago bahagyang bumawi.

Ang paglakas ng dolyar ay dulot ng inaasahang mas kaunting rate cuts ng Federal Reserve ngayong taon, kasabay ng tensyon sa Middle East.

Kinumpirma ni BSP Governor Eli Remolona Jr. na may interbensyon ang BSP upang mapigilan ang piso na lumampas sa P60.

Noong Enero, sinabi ni Pangulong Marcos na nais niyang maiwasan ang pag-abot ng piso sa P60 dahil sa epekto nito sa pambansang utang.

Ang pagbagsak ng piso ay may malaking epekto sa ekonomiya: tataas ang pambansang utang at presyo ng mga imported na produkto, ngunit magbibigay din ng mas mataas na halaga sa remittances ng mga OFWs.

Inaasahan ng mga trader na maglalaro ang piso sa P59.70-P59.95 kada dolyar sa mga susunod na araw, habang patuloy na magbabantay ang BSP.