-- ADVERTISEMENT --

Nagtamo ng minor na injury ang isang Pilipino sa naganap na pag-atake ng Iran sa Qatar noong Sabado, Marso 7, ayon sa pahayag ng Embahada ng Pilipinas sa Doha.

Ayon sa embahada, ang biktima ay nakaranas ng shrapnel injury at agad na dinala sa ospital para sa medikal na atensyon.

Sa kasalukuyan, maganda na ang kalagayan ng nasabing Pilipino.

Inilahad ng embahada na patuloy nilang minomonitor ang sitwasyon at nakikipag-ugnayan sa mga lokal na awtoridad upang matiyak ang kaligtasan ng mga Pilipino sa Qatar.

Sa kasalukuyan, 29 na mga Pilipino ang binigyan ng pansamantalang tirahan malayo sa mga panganib na lugar, at lahat sila ay nasa mabuting kalagayan.

Bilang bahagi ng kanilang pag-iingat, nagbigay din ng apela ang embahada sa mga Pilipino sa Qatar na iwasan ang hindi mahahalagang paglabas at manatili sa kanilang mga tahanan, kasabay ng pagsunod sa mga alituntunin ng mga lokal na awtoridad upang manatili sa kaligtasan.