Makikipagtulungan sa Interpol ang bansang Pilipinas sakaling maglabas na ng warrant of arres laban sa mga co-perpatrators ni former President Rodrigo Duterte sa kasong crimes against humanity.
Inihayag ni Palace press officer Undersecretary Claire Castro na obligado ang gobyerno ng Pilipinas na ipatupad ang warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC).
Sinabi niya na kung maglalabas ang ICC ng arrest warrant laban kina Senator Ronald Dela Rosa, Sen. Bong Go, at iba pang kasangkot sa kasong crime against humanity ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, makikipagtulungan ang Pilipinas sa Interpol, tulad ng ginawa sa pag-aresto sa dating pangulo na dinala sa The Hague, Netherlands.
Nilinaw din ni Castro na hindi pa tinalakay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang posibilidad ng pagbabalik ng Pilipinas bilang miyembro ng ICC.













