-- ADVERTISEMENT --

Mas pinalalakas ng Pilipinas ang pakikipag-ugnayan sa mga kaalyadong bansa matapos ihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bukas ang pamahalaan sa posibilidad ng pagkakaroon ng Visiting Forces Agreement (VFA) sa Germany sa hinaharap.

Sa joint press conference kasama si Ferdinand Marcos Jr. at Frank-Walter Steinmeier, sinabi ng Pangulo na wala pang konkretong plano para sa naturang kasunduan sa kasalukuyan, ngunit handang pag-aralan ng Pilipinas ang posibilidad nito kapag dumating ang angkop na panahon.

Ayon kay Marcos, patuloy na lumalawak ang kooperasyon ng Pilipinas at Germany, partikular sa mga usapin ng militar, depensa, at seguridad.

Binigyang-diin din ng Pangulo ang kahalagahan ng pagpapalawak ng mga alyansa sa harap ng nagbabagong geopolitical landscape sa mundo. Aniya, mahalagang mapalakas ang multilateral na kooperasyon upang mapanatili ang kapayapaan, katatagan, at seguridad hindi lamang ng Pilipinas kundi ng iba pang mga bansa.