-- ADVERTISEMENT --
Ibinunyag ni Vice President Sara Duterte na may ilang personalidad na lumapit sa kaniya at humiling na mapasama sa kaniyang senatorial slate sakaling tumakbo siya sa pagkapangulo.
Ayon sa Bise Presidente, apat sa mga kilalang personalidad ang nagpakita ng interes at ikinokonsidera siya, ngunit hindi niya ibinahagi ang mga pangalan ng mga nais maging senador sa kaniyang slate.
Dagdag pa niya, patuloy pa rin niyang kinukumbinsi ang kaniyang napiling kandidato para sa posisyon ng bise presidente.
Magugunitang noong nakaraang buwan, inanunsiyo ni VP Duterte ang kaniyang planong tumakbo bilang pangulo sa darating na 2028 elections.












