Narescue ng Philippine Coast Guard (PCG) ang labindalawang sakay ng motorized banca MBCA GWEEN matapos itong masiraan ng makina at masira ang outrigger habang naglalayag sa Sarangani Bay noong Enero 24, 2026.
Ayon sa PCG–Eastern Sarangani, kabilang sa mga nasagip ang siyam na estudyante at tatlong crew.
Nahinto sa laot ang bangka dahil sa malalakas na alon na nagdulot ng pinsala sa makina at sa outrigger nito.
Batay sa ulat, ang mga estudyante ay nagsasagawa ng marine biology fieldwork bilang bahagi ng kanilang thesis research sa kursong BS Marine Biology nang mangyari ang insidente.
Ligtas namang nailipat ang lahat ng pasahero at agad na sinuri ng medical team ng MDRRMO upang matiyak ang kanilang kalagayan bago sila ibinalik sa Glan Port.
Samantala, hinila pabalik sa pantalan ang MBCA GWEEN para sa karagdagang inspeksyon at pagkukumpuni.













