Kinumpirma ng Malacañang na pormal na hihiling si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Kongreso ng emergency powers upang mabawasan ang excise tax sa mga produktong petrolyo, kasunod ng tumitinding krisis sa Middle East.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, ang Department of Energy (DOE) ang magsusumite ng pormal na kahilingan sa Kongreso sa ngalan ng Pangulo, dahil kasalukuyang nasa New York si Pangulong Marcos para sa dalawang araw na working visit.
Inaasahang ihahain ngayong Lunes, Marso 9, ang nasabing formal request.
Sinabi rin ng Pangulo na kung maaaprubahan ito, makikipag-ugnayan siya sa mga lider ng Kongreso upang mabigyan siya ng kapangyarihang pansamantalang bawasan ang excise tax sa mga produktong petrolyo, lalo na kung lalampas sa $80 kada bariles ang presyo ng Dubai crude oil.












