-- ADVERTISEMENT --

Inanunsyo ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla ang pagtaas sa ₱20 milyon na pabuya para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon hinggil sa kinaroroonan ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang.

Ayon kay Remulla, itinaas ang halaga ng reward upang mapabilis ang paghahanap at pagdakip kay Ang. Magmumula ang pondo para sa naturang pabuya sa confidential funds ng Philippine National Police (PNP) at ng DILG.

Binigyang-diin ng kalihim na mahalagang mapanagot si Ang kaugnay ng mga alegasyon laban sa kanya.

Matatandaang nahaharap si Ang sa kasong pagpatay kaugnay sa pagkawala ng ilang sabungero, bagaman mariin niya itong itinatanggi.