-- ADVERTISEMENT --

Wala pang pahayag si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. hinggil sa kumakalat na “Sara-Imee” tandem para sa 2028 elections, gayundin sa posibleng “Leni-Risa” combination.

Kamakailan lamang, inanunsyo ni VP Sara Duterte na tatakbo siya bilang presidente sa 2028.

Sagot naman ni Pangulong Marcos, “Good luck.”

Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro, nakatutok ang Pangulo sa kanyang trabaho bilang chief executive.

Nilinaw din ng Palasyo na walang katotohanan na pinapalakas ng administrasyon si dating Vice President at ngayo’y Naga City Mayor Leni Robredo para sa 2028 elections.

Ayon kay USec. Castro, wala pang plano ang administrasyon na maghanap ng kandidato para sa susunod na halalan at ang Pangulo ay nakatutok sa mga isyu tulad ng baha at pagpapalakas ng ekonomiya.