-- ADVERTISEMENT --

Labis ang naging kasiyahan ni Atty. Paul Randy P. Gumanao, RCh matapos niyang makapasa sa 2025 Bar Examination, kasama rin ang ilan sa kanyang mga kaibigan na kumuha ng nasabing pagsusulit.

Ito ang kanyang naging pahayag sa isang panayam ng Bombo Radyo Koronadal. Ayon kay Atty. Gumanao, sa oras ng paglabas ng resulta ng Bar Examination ay hindi niya ito minonitor.

Sa halip, nagtungo siya sa simbahan at doon naghintay ng text o mensahe na magpapatunay kung siya ay pumasa.

Dagdag pa niya, nagsilbing malaking inspirasyon sa kanya ang muling paglilingkod sa Diyos, lalo na ang kanyang pamilya na patuloy na nagbigay sa kanya ng malaking suporta sa kanyang pag-aaral.

Nagpaabot din ng panawagan si Atty. Gumanao sa mga kasalukuyang nag-aaral sa College of Law na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral kahit hindi madali, manalig sa sarili, at higit sa lahat ay magtiwala sa Diyos.