-- ADVERTISEMENT --

Kinukwestiyon ni Engr. Ceasar Cabral ang plano ng gobyerno na isailalim sa autopsy at DNA test ang labi ng kanyang asawa, si dating DPWH Usec. Maria Catalina “Cathy” Cabral.

Naging emosyonal si Engr. Cabral sa labas ng funeral home sa Upper Tadiangan, Tuba, Benguet, kung saan dinala ang mga labi ng dating opisyal.

Ayon sa AFP personnel na nagresponde sa insidente, nakita nila si Cabral sa baba sa fetal position, at ang katawan ng kanyang asawa ay nakadurog ang buto sa paa.

Naniniwala si Cabral na aksidente ang naging sanhi ng pagkamatay ng dating USEC, na natagpuang wala nang buhay sa Bued River, Camp 4, Tuba, Benguet noong Disyembre 18.

Ayon sa kanya, pumunta lamang sa Baguio ang dating opisyal upang magpahinga at maibsan ang stress bago mangyari ang insidente.

Sa ngayon nasa kustodiya na ng mga otoridad ang kaso habang patuloy ang imbestigasyon sa pangyayari.