-- ADVERTISEMENT --

KORONADAL CITY – Nagkaayos na ang pamilya ng nasawing tatlong kababaihan sa pag-araro ng isang pick-up truck na service vehicle ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR XII sa national highway ng Barangay Saravia, Koronadal City noong nakaraang gabi.

Ito ang kinumpirma ni PMSgt. Leo Dimaculangan, traffic invetsigator ng Koronadal City PNP sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Nagkau-sap na umano ng maayo ang both parties at nagkaroon ng Memorandum of Agreement sa liabilities o babayaran ng driver sa pamilya ng mga nasawi.

Hindi na idenitalye pa ni Dimaculangan kung magkano ang napagkasunduan ng mga ito subali’t ipinasiguro nito na maayos ang naging pag-uusap ng lahat.

Matatandaan na nasawi sina Rogela Bayang, 26-anyos, residente ng Purok Acharon, Calumpang, General Santos City; at ang magkapatid na sina Rhialyn Hilaria, 21-anyos at Vivian Hilaria, 18-anyos, pawang residente ng nasabing barangay habang ang mga nasugatan na dinala sa South Cotabato Provincial Hospital sina James Boy Enrejo, 38-anyos, driver ng pick-up; Roderick Tapon, 49-anyos; Reynan Lara, 40 anyos; Ryan Tapon, 22-anyos; Kenneth Frunda, 24-anyos; pawang mga residente ng Barangay Ran-ay, Banga, habang ang dalawang iba pa ay dinala naman sa pribadong ospital.

Una nang ipinasiguro ni OIC Assistant Regional Director Omar Sabal, BFAR XII na nakahanda silang tumulong sa mga pamilya ng nasawi dahil sa pagkakasangkot ng service vehicle ng kanilang tanggapan.