-- ADVERTISEMENT --

KORONADAL CITY – Hinigpitan pa sa ngayon ng mga otoridad ang paghahanap sa responsable sa nangyaring pamamaril kay Datu Piang Vice Mayor Mohammad Omar Samama kahapon habang nagtatalumpati sa isang outreach program sa Barangay Magaslong, Datu Piang, Maguindanao Del Sur Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Lt.Col. Roden Orbon, bagamat nasa ligtas nang kalagayan, patuloy pa rin siyang inoobserbahan ng mga doktor ang opisyal.

Habang malaki naman ang paniniwala ng mga otoridad sa posibilidad na “politically motivated” ang motibo sa pamamaril ka Samama dahil isa itong “reelectionist” sa darating na eleksiyon.

Sa ngayon, nanawagan naman si Mayor Samama sa kanilang mga tagasuporta na manatiling kalmado at ipaubaya ang imbestigasyon sa mga awtoridad upang maiwasan ang anumang gulo o iba pang maaaring madamay sa insidente.

Patuloy namang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang nasa likod ng krimen. Ipinasiguro din ni Orbon kay karamay sila ng Philippine National Police sa paghahanap sa suspek at pagbabantay upang hindi na maulit pa ang kaparehong pangyaari lalo na at nalalapit ang midterm election.