-- ADVERTISEMENT --
Handa ang Malacañang na pag-aralan ang panukala ni House Majority Leader Sandro Marcos na magbigay ng libreng kuryente sa mga pamilyang mababa ang konsumo.
Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, umiiral na ang libreng kuryente para sa mga benepisyaryo ng 4Ps na may konsumo na hindi hihigit sa 50 kilowatt-hour kada buwan.
Gayunman, sinabi ni Castro na kailangan pang suriin ang mga detalye ng panukala, lalo na kung sino ang sasagot sa gastusin kapag ito ay naipatupad.
Dagdag pa niya, maaaring makatulong ang panukala sa mga pamilyang maliit ang konsumo at mahikayat ang mas maingat na paggamit ng kuryente, ngunit kinakailangan pa itong pag-aralan nang mabuti bago tuluyang suportahan ng administrasyon.













