-- ADVERTISEMENT --

Nagsagawa ng malawakang airstrikes ang Pakistan sa Afghanistan, na nagresulta sa pagkasawi ng 18 katao, kabilang na ang mga babae at bata, ayon sa mga ulat ng Taliban.

Ayon sa mga awtoridad, tinarget ng mga airstrike ang pitong kampo ng militanteng grupo malapit sa hangganan ng Pakistan at Afghanistan. Itinuturing ng Pakistan ang operasyon bilang isang pagganti matapos ang suicide bombing na isinagawa ng Taliban sa kanilang teritoryo noong nakaraang mga buwan.

Matapos ang pag-atake, kinondina ng Taliban ang insidente at ipinahayag na maraming sibilyan, lalo na ang mga naninirahan sa Nangarhar at Paktika provinces, ang nasawi sa mga pagbombang isinagawa ng Pakistan.