-- ADVERTISEMENT --
Inireport ng Philippine National Police (PNP) na naging tahimik at maayos ang pag-obserba ng Biyernes Santo, kung saan walang malaking insidente sa mga misa at prusisyon.
Nagpaalala si PNP Chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr. sa publiko na mag-ingat at sundin ang mga simpleng paalala ng PNP para sa ligtas at masaya na pagdiriwang ng Easter Sunday, lalo na sa mga tourist destinations at resorts.
Hinimok din niya ang publiko na huwag mag-atubiling tumawag sa Unified 911 o sa pinakamalapit na presinto kung sakaling magkaroon ng emergency.
Patuloy na naka-alerto ang PNP ngayong Semana Santa upang masiguro ang kaligtasan at kapayapaan ng mga tao sa buong bansa.













